ANG HIWAGA NG BARYO MAYOBOC - Unang Yugto

 


“Ang Batang si Mai at Ang Misteryosong Ilog”
(Unang bahagi ng Hi
waga ng Baryo Mayoboc)

Sa malalim na kagubatan ng Mayoboc, may isang batang nagngangalang Mai na namumuhay nang tahimik kasama ang kaniyang mga magulang. Siya ay masayahing bata, laging naglalakad sa mga tabing-ilog upang mapanood ang mga isdang sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng araw.

Isang araw, habang si Mai ay naglalakad malapit sa ilog, napansin niya ang isang mariposang may kakaibang kulay. Ito ay kulay bughaw na may mga gayak parang bituin. Pinanood niyang masilayan ang mariposa habang ito'y sumasayaw sa hangin. Nang biglang bumaba ito at lumapit sa kaniya, nagbigay ito ng mahinhing tinig.

"Ako ay tagapag-ingat ng kakaibang ilog na ito, Mai. Aking ipapakita sa iyo ang tunay nitong kagandahan at lihim," sabi ng mariposa.

Isinama siya ng mariposa sa isang paglalakbay patungo sa mga misteryosong kagubatan. Sa malayo, may nakita si Mai na nagbigay liwanag sa kagubatan. Ito ay isang parangal na ilaw mula sa tubig na nagbibigay buhay sa buong lugar. Tumigil sila sa tabi ng ilog at ngayo'y naghuhudyat ng misteryo at kakaibang kagandahan.

"Mai, ito ang ilog ng mga Bughaw. Ito ay hindi isang ordinaryong ilog. Ito ay may kakayahang baguhin ang anyo nito base sa mga damdamin ng mga taong nakakasalamuha nito," paliwanag ng mariposa.

Tinuro ng mariposa kay Mai kung paano kontrolin ang ilog gamit ang kaniyang mga damdamin. Sa tuwing si Mai ay nagiging masaya, makikita niyang unti-unting kumikinang ang tubig, at sa bawat pag-ulan ng mga luhang kaligayahan, nagiging mas makulay ang ilog.

Nang dumating ang tag-ulan, nadama ni Mai ang kalungkutan sa paligid. Sa kanyang lungkot, napansin niyang ang ilog ay unti-unting nagiging madilim at malungkot din ang kaniyang kulay.

Ngunit nang dumating ang tag-araw, panahong laging kaniyang hinihintay, nagdala ng pag-asa at ligaya si Mai. Tinanong niya ang ilog na maging mas makulay at masaya, at agad namang sumiklab ang mga kulay at buhay ng ilog.

Lumipas ang mga araw, ang ilog ng mga bughaw at si Mai ay nagkaroon ng mas magandang ugnayan. Patuloy na nagtuturo ang mariposa sa musmos upang masanay ito sa pagkontrol sa hiwaga ng ilog. Ang ilog naman ay tila laging sumasabay sa damdamin ni Mai na animoy siya talaga ang tagapangala nito.

Ang batang si Mai ay tuwang-tuwa namang naglalaro at nagtatatakbo sa pampang ng ilog. Bakas sa mukha ng bata ang kasiyahang nakikita dulot ng hiwaga ng ilog. Samantalang ang ilog naman ay nag-iiba-iba ng kulay kasabay ng halakhak ng dalisay at mayabong na puso ng bata.

Patunay ito na ang kalikasan at ang tao ay may malalim na ugnayan sa isa’t isa. Nakabatay ito sa kung paano ng tao tratuhin ang kaniyang paligid batay sa damdamin na kaniyang nadarama. Bilang ganti, ang kalikasan ay nagbabalik-handog batay sa kung paano makitungo ang tao sa kaniya. Si Mai ay isang simbolo ng batang may musmos na damdamin, malinis at busilak na puso para sa kalikasan na dapat taglayin ng mga tao upang sa ganoon ang kalikasan ay maghandog din ng maganda at masaganang pagpapala sa sangkatauhan.