ANG KASAYSAYAN NG BAYAN NG PITOGO

    Author: MAᜇLIKHAIN Genre: »
    Rating

     


    ANG KASAYSAYAN NG BAYAN NG PITOGO

    May napakahalagang kasaysayan sa likod ng katotohanan na ang Pitogo ay itinayo sa isang promosoryo na pinaliligiran ng mga burol.

    Ipinakikita ng mga talaang pangkasaysayan na ang lugarna ito ay napili ng mga tagapagtatag ng bayan noong 1766 dahil sa taas nito nanakatutulong sa kanila upang agad na makita ang mga vinta ng mga mandarambong na piratang Muslim na noon ay nagbabanta sa kaligtasan ng mga katutubo.

    Noong 1754, isang pangkat ng mga dayuhang Kristiyanona pinamumunuan ni Juan Mauricio ang nagtatag ng isang bayan na malayo sa aplaya, ilang milya pataas ng IlogMayubok ,(Pinagbayanan ngayon) upang maging ligtas mula sa mga pag-atakeng Moro. Sa kabila ng pag-iingat na ito, dumating ang mga Moro at sinalakay angbayandaan sabaybayin ng Kalilayan (Tayabas Bay).

    Noong 1756, pagkalipas ng dalawang taon,si Alejo Bautista ang naging sumunod na pinuno. Muli, binalikanng mga Moro ang lugar, dinalaw muli angMayubok, sinunog ang pamayananat pinatay ang marami sa mga naninirahan dito. Dahil sa labis na takot, inilagay ng mga tao ang pinakamalaking kampana ng simbahan sa isang banka ngunit ang banka ay tumaobsa Aasnan. Sinubukan ng iba’t ibang mgaeksperto na maibalikang makasaysayangkampanangunit hindi sila nagtagumpay.

    Noong 1760ang mgataong nakaligtas ay nagtayong muling isa pang pamayanansa tabing pampang ng Ilog Cawayanin. Ito aysa ilalim niBernabe Rafael. Gayundin, ang pamayanan na ito ay winasakng mga Moro. Nang mawala Si SanPablo(ang patron santo) natagpuan siya sa isang kalapit na baryoat dito tumira ng maikling panahon ang mga tao. Pinangalanan itong "Adia" na nangangahulugang kaligtasan.

    Noong 1766, napili niBuenaventura Salvador ang isang maayos na burol, ang Burol Maaliw kung saan matatagpuan ang ilang mga kubo sa tabi ng dagat. Napili ang lugar na ito dahil sataglay nitong tugatog, kung saan matatagpuan ang isang sinaunang parola (Castillo)at sa lugar na ito madaling makikitaangpapalapit na mga vintang Morokahitnasa malayo pa.

    Ang pagtatatag ng Pitogo ay nagkaroon ng kasiguraduhannang ang isang malakas na tagapamahala sa katauhan niGeronimo Santiago ang nangalagasa poblasyon. Kilala siya bilang Maniagonalubhangkinatakutan ng mga pirata. Pinamunuan niya ang baryonghalos sampung taon mula 1771 hanggang 1780. Sa panahonding iyon ang santo patron ay naging kilala. Sapaniniwalang milagrosong pinoprotektahan ni San Pablo ang bagong bayan. Isang pangyayari, nang papasukinng mga Moroang bayan, nilamon ng kadiliman ang buong lugar kaya ang mga Moro nang wala na silang makita, sila’y umalis at nilisan ang bayan.

    Noong dumating ang 1781 naging pinunosi Juan Encarnacion. Ayon sa alamat, ito ang panahonna natagpuan si San Pablo Apostol sa ilalim ng isang malaking puno ng Pitogo sa lungos ng Burol Maaliw. Ito ay magandang pangitainat paniniwala na gusto ni San Pablo ang lugar na maging permanenteng lokasyon ng poblasyon at pinangalanan ng mga tao ang lugar alinsunod sa pangalan ngpunong palma na kilala bilang "Pitogo" at dito nagsimulasilang manirahan. Ang pangalan na ito kalaunan ay ipinangalansa buong bayan habang lumalaki ang komunidad.

    Isa pang Mauricio angnaging pinuno noong 1814. Sa kauna-unahang pagkakataon ang bayan ay nasunog dahil sa kapabayaanng mga naninirahan.

    Ang isang napakahusay na pinuno sa katauhan ni Geronimo De los Angeles ay dumating noong 1817. Sa kaniyang panahon ang simbahang bato ay itinayo sa parehong lugar kung saan natagpuan si San Pablo sa Burol Maaliw.

    Sa loob ng dalawang siglo, ang Pitogo ay nakaligtas sa mga pagsalakay ng mga Muslim, pagkalugmok sa epedemiya at dalawang pangunahing digmaan upang palitawin bilang isang matagumpay at umiindayog na komunidad na kakikitaanng ilangpag-unlad sa nakaraang dekada.

    Sanggunian:

    https://en.wikipedia.org/wiki/Pitogo,_Quezon (Huling binisita noong 18 Mayo 2020)

    Talasalitaan:

    1. Promosoryo; lungos - isang mataas na lupa o bato na nakausli sa isang anyong tubig.

    2. Vinta - isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao.

    3. Mandarambong - tao o mga taong marahas na kumukuha ng malakihang mga kayamanan o pag-aari ng isang bayan o komunidad.

    4. Aplaya; Pampang - tabing-dagat, baybayin, dalampasigan

    5. Moro- katawagan sa mga Muslim na mamamayan sa Katimugan ng Pilipinas.

    6. Tugatog - taluktok; kaibuturan; dulo; kaitaasan

    7. Parola - ay isang istrukturang naggagabay sa mga sasakyang pangdagatat nagbibigay ng liwanag na nagmumula sa mga lente o, nung sinaunang panahon, sa apoy.

    8. Poblasyon - ay ang karaniwang tawag na ginagamit para sa sentral, bayan, lumang bayan o sentral na distrito ng isang lungsod o munisipalidad ng Pilipinas, na maaaring tumagal sa lugar ng isang solong barangay o maraming mga barangay.


    Inilimbag noong 28 Hunyo 2020
    ni Mar Zamora Holanda https://sites.google.com/view/marlikhain/home/ang-kasaysayan-ng-bayan-ng-pitogo?authuser=0



    2 Responses so far.

    1. Mabuhay Bayan ng Pitogo!

    2. Chris says:

      Mabuhay Bayan Ng Pitogo!

    Leave a Reply

    Salamat sa inyong pagkomento :)